Pitong Bagay sa Buhay na Natutunan ko sa UP by Ryan Cayabyab
- Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.
- UP lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.
- Sa IKOT, puede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may SAYAD ka!
- Sa UP, lahat tayo MAGALING. Aminin nating lahat na tayo’y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo magaling!
- Kung sa UP ay sipsip ka na, siguradong paglabas mo, SIPSIP ka pa rin.
- Sa UP, tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa DUNONG, sa TALINO, sa PAGMAMALASAKIT, sa KALAWAKAN ng ISIP, sa PAG-IIBIGAN; at kahit na rin sa KABALIWAN, sa KALOKOHAN at sa KATARANTADUHAN; at ang panghuli:
- Sa UP tulad sa buhay, bawal ang OVERSTAYING!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home