rhaychagainstthemachine

Monday, June 20, 2005

Meteor Garden Addict (post ko lang kase natawa ko dito)

MGA SENYALES NA NA-ADDICT KA NA SA METEOR GARDEN

  1. Ang Ringtone ng cellphone mo ay “Qing Fei De Yi” at sangkatutak ang picture messages mo na naglalaman ng mga pagmumukha ng mga F4. Pati Logo mo ay meteor garden at kulang na lang pati casing mo ay F4.
  2. Naguguluhan ka na minsan sa cellphone mo dahil Chinese ang ginamit mong language.
  3. Nagpagawa ka ng speaker para sa kotse mo na parang may mga megaphone na equipment sa labas. Gusto mo rin “live” ang sounds kaya pinipilit mo ang driver mo kumanta.
  4. Ibinagsak ka ng professor mo dahil ginaya mo si Dao nung di niya sinasadyang maapakan ang paa mo.
  5. Napapadalas ang pagsesentimiyento mo sa rooftop.
  6. Napapadalas ang panonood mo ng “Maalaala mo Kaya at mga Teleserye para masubukan mo kung effective nga yung technique ni Lei.
  7. Ipinagpalit mo ang kotse mo sa isang scooter.
  8. Nagtatalo kayo ng nanay mo dahil pinapagaya mo sa kanya ang napakagandang hairstyle nung nanay ni San Chai.
  9. Nag-aabang kang maimbitahan sa isang party dahil binabalak mong patayin ang ilaw para mahalikan ang crush mo.
  10. Nahihilig kang kumain ng mga kakaibang gulay, isda at kanin; pati kubyertos mo ay naiinip na sa estante dahil pinipilit mong mag-chopsticks.
  11. Nagpilit kang mag-aral ng Chinese dahil nagpapantasya kang ma-meet ang F4 sa personal. (Mind you - maraming Chinese dialects) Ginagawa mo rin ito para naman di ka mukhang tangang kumakanta ng awiting di mo naman maunawaan.
  12. Nilagyan mo ng karatulang “You’re Dead” ang locker ng kaaway mo at kung di ka naman war freak, naghihintay kang malagyan ang locker mo nun.
  13. Ang World History at Geography Books mo na dati lang nabibulok sa bookshelf ay biglang nagkatupi-dun sa pages tngkol sa China o Taiwan.
  14. Di ka na nandidiri o nababaduyan sa Ukay ukay ngayon basta ba malapit sa binibilhan ng F4 poster sa bangketa. Inaway mo pa nga yung lolang umaagaw sa poster na nakuha mo na.
  15. Isa ka sa mga nangungulit sa ABS-CBN na papuntahin ang F4 sa Pilipinas.
  16. Wala ka nang pakialam kung SARS infected man ang Republic of China.
  17. Bigla mo na lang kinainisan sila Paolo Bediones at Miriam Quiambao.
  18. Diskumpiyado ka dahil kailanman ay hindi mo malalagyan ng mga meteor ang garden niyo.
  19. Sandamukal na mura na ang natanggap mo mula sa Rock fans ng UNTV nang mag-request ka ng kanta ng F4 sa Rock and Punk program nila.
  20. Wala ka nang ibang tatak ng bra na gusto kundi Chanel.
  21. Mas may pang-unawa ka na sa mga may down syndrome dahil kay Lei.
  22. Inireklamo ka sa barangay dahil bigla mong naisipan magpaputok sa madaling araw para “mapansin ka ng mga anghel”.
  23. Napapakunot ang noo sa iyo ng mga magulang mo dahil nagpapabili ka sa kanila ng barko.
  24. Nakatutok ka na sa tv kahit “Magandang Umaga Bayan” pa lang ang palabas. Baka kasi i-feature ang F4.

    AND MY FAVORITE...
  25. Itinakwil mo halos lahat ng kaibigan mo at nagtira ka lang ng tatlo para apat kayo.it all started with this....

1 Comments:

Blogger Mish said...

Mwahahaha! ^_^ Namimiss ko na talaga sila!!! And I miss you too!!! Take care always!! ^_^

12:06 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home