rhaychagainstthemachine

Thursday, July 26, 2007

May Lubak

May isang kalye na halos araw-araw kong dinadaanan. Isang buwan na ng simulang gawin ang kalyeng ito. Ngunit may isang lubak na tila nakalimutan nilang ayusin.

Sa tuwing aalis ako alam ko sa sarili ko na dadaanan ko na naman ang nasabing lubak kaya dapat magdahan-dahan ako pag papalapit na ako dito. Pero sadyang di ko maiwasan o matandaan na may lubak sa parteng iyon. Nagugulat na lamang ako na nalubak na naman ako. Hindi ko alam kung bakit di ko maiwasan ang nasabing lubak na ito.

Sadya nga bang di ko iniiwasan para magulat ako na nalubak ako? Bakit di na lang ako dumaan sa ibang kalye ng maiwasan ang lubak na ito? Bakit parate kong nakakalimutan na may lubak pag malapit na ko dun? Sino ang aayos ng lubak na ito? Kailan ito maayos?

May lubak na di maiwasan. Parang buhay....

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home