rhaychagainstthemachine

Thursday, October 16, 2008

Kapag Minamalas Ka Nga Naman

Kahapon, October 15, 2008, habang nakasakay ako ng jeep pauwi ng San Mateo. Galing ako sa trabaho kaya medyo inaantok na talaga ko. Syempre pagkabayad ko ng pamasahe umurong ako agad sa dulo ng jeep kase nga tamad talaga ko mag-abot ng pamasahe ng ibang tao.

Nung malapit na sa Batasan Bridge, nagdahan-dahan na yung sinasakyan kong jeep pati mga sinusundan nito. Sabi ko sa sarili ko, may shooting na naman siguro kaya ganun. Tama nga ako may shooting sa may Batasan Bridge. Nagminor yung jeep na sinasakyan ko kase may malaking kable na nakalatag sa kalsada. Isa pa puno yung jeep na sinasakyan ko.

Nagulat na lang ako ng may rumaragasang jeep na bumangga sa jeep na sinasakyan ko. Sa sobrang lakas ng bangga humampas ang ulo at braso ko sa matigas na parte ng jeep na siansakyan ko. Di ko muna naramdaman yung sakit kase tinitignan ko yung lalaking katapat ko sa jeep. Nagdurugo yung paa nya dahil sa lakas ng bangga. Tinamaan yung paa nya ng bakal ng jeep na bumangga sa amin. Tinignan ko yung steps ng jeep na sinasakyan ko, yupi na. Halos mawala na sasobrang yupi. Buti na lang naiwas ko yung paa ko. Maya-maya tinanong na ko ng katabi ko kung masakit yung tama ko. NUng una talaga wala akong nararamdaman hanggang sa maningkit na yung kaliwang mata ko at unti-unti kong naramdaman ang pagkalat ng sakit ng ulo ko mula kaliwa hanggang sa buong ulo ko na.

Bumaba na yung ibang pasahero pero hindi kameng parehong nasa dulo na nasaktan. Sabi ng driver ng jeep na sinasakyan namen, dadalhin kame sa ospital para matignan at yung nakabanggang driver ang magbabayad ng gastusin. Dahil nagmamadali yung lalaking nasugatan sa paa, sinabi nya na lang na bayaran sya sa sugat na nakuha nya at sya na lang ang magpapagamot sa sarili nya. Di ko lang alam kung magkano yung ibinayad sa kanya. Ako, ayokong bumaba kase gusto kong madala sa ospital para kung meron mang masamang mangyari sa akin eh merong mananagot. Mabuti kung may sugat gaya nung sa lalaki. At least alam kung saan yung tama nya. Takot ako sa internal injury. Sabihin na nating aksidente nga yung nangyare pero kung ano man ang mangyare sa ken dapat may maging responsable para dun.

Una akong dinala sa St. Mattheus Hospital kase yun ang pinakamalapit. Dahil walang pambayad yung driver, hindi nila magagawa yung X-ray at lab test. Nagpalipat na lang ako sa Marikina Valley Medical Center kase accredited yung health card ko dun. Pero di nila ako tinanggap kase vehicular accident yung case ko. Kailangan daw sa ospital na nagbibigay ng medico legal. Pinalipat nila sa Amang Rodriguez Medical Center. At dahil ospital ng gobyerno yun, na-X-ray at na-CT scan ako bandang alas dos ng hapon. Yung aksidente nangyare ng 11:30 ng tanghali. Ganun ko katagal tiniis yung sakit hanggang sa lumabas yung resulta ng 4 ng hapon. Hindi naman ganun kaseryoso yung head at arm injury ko. Salamat sa aking chubby cheek at flabby arm, walang nadurog na buto. Pero binigyan ako ng doktor ng gamot para sa sakit at sa pamamaga. Sinabihan din ako ng doctor na gumamit ng armsling sa loob ng tatlong araw para di gaanong magalawa yung braso ko.

Nasabi ko ba na Nanay ko muna nag-abono para masimulan yung X-ray at CT scan ko? Wala daw pera yung driver na nakabangga. Kame halos nagbayad ng lahat ng gastusin sa ospital. Nangako naman yung driver na babayaran kame pag nagkapera sya. Kailan kaya yun? Di na namen alam. Sabi ng nanay ko mas importante ligtas ako.

Kaya eto, nangingitim na yung braso at pisngi ko. Di ako pumasok sa opisina kase pinagpahinga ako ng doctor para di raw masyadong magalaw yung bugbog ko.

Andame kong nasulat noh? Apat na oras ko tong sinulat kase kanang kamay lang ginagamit ko. Bawal magalaw yung kaliwa.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home