rhaychagainstthemachine

Saturday, November 08, 2008

Kapag Minamalas Ka Nga Naman (Ang Karugtong)

Nawawala na yung driver! Sinubukan namen syang tawagan sa numerong binigay nya. Walang sumasagot. Pinuntahan na rin namen yung opisina ng grupo nila, Diamond Motors sa Maly pero ang sabi hindi na raw pumupunta yung driver dun. At saka may utang pa raw yung sa kooperatiba nila na hindi pa nababayaran. Hindi na raw nagpakita simula nung banggaan. Yung numerong binigay nya sa amen, numero pala yun ng opisina nila iba talaga yung numbero nya sa bahay. Sinubukan tawagan ng Tito ko yung number nya sa bahay na nakalista sa opisina nila. Nung una sabi nandun daw. Nung nagpakilala yung Tito ko, nakaalis na daw. Sobrang obvious naman ni Manong na umiiwas! At sobrang obvious na hindi na kame mababayaran. Bukod kase sa gastos sa ospital nung araw ng aksidente, may gastos pa ko sa gamot at sa therapy kase hindi makagalaw yung kaliwang braso ko ng normal. Sumasakit. Sabi ng mga Tito ko hayaan na lang kase mas masama ang balik ng karma. Nato Manicio, di ko alam kung pano 'to babalik sa yo ng bonggang-bongga!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home